Photobucket - Video and Image Hosting






<< October 2009 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03
04 05 06 07 08 09 10
11 12 13 14 15 16 17
18 19 20 21 22 23 24
25 26 27 28 29 30 31

Photobucket - Video and Image Hosting

Relationships are like glass. Sometimes it's better to leave them broken than try to hurt yourself putting it back together.

Photobucket - Video and Image Hosting

Have you ever been hurt and the place tries to heal a bit, and you just pull the scar off of it over and over again. ~Rosa Parks

Photobucket - Video and Image Hosting

Love is like a puzzle. When you're in love, all the pieces fit but when your heart gets broken, it takes a while to get everything back together.

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed

Saturday, September 04, 2004
bRoken raiNbow

"If I was the one who was loving you baby, the only tears you cry would be tears of joy. And if I was by your side, you never know one lonely night. And if t'was my arms you were running to baby, loving this arms of mine…if I was the one in your life…"  

 Yan ang paulit ulit na tumutugtog sa isip ko…paulit ulit na kinakanta ng puso ko, kapag nakapikit ang mga mata ko at imahen mo ang nakikita. Isip ko, buti pa ang imahinasyon ko nakikita,nararamdaman at nahahawakan ka. Samantalang ang buong pagkatao ko na wala ng maramdaman kundi pagmamahal sayo eh ni hindi ka man lang maabot ng tingin…

Mabuti pa yung mga puno ng niyog, magiliw na naipapaspas ang mga dahon nila. Malayang nadadala ng hangin ang bawat piraso ng mga dahon. Hindi man nakikita ng niyog ang hangin, ramdam niya na andyan siya. Andyan para patuloy na pasayawin ang bawat sanga ng niyog sa tugtog na sila lamang ang nakakaintindi.

Ilang beses naba, ilang beses mo ng ipinaramdam sa akin na hindi ikaw ang lalake para sa akin, na hindi ako ang babae na makapagpapasaya sayo? Ilang beses ko naba na naramdaman ang masaktan ng sobra? Ang maramdaman na ginamit at pinaasa mo lang ako? Ilang beses ko na rin bang pilit sinasaksak sa kukute kong makulit na hindi ko talaga kaya na tigilan kang mahalin? Ang pilitin kang makalimutan? MAHAL KITA…pasensya, tao lang. Hindi kahit kelan ko kayang pigilan at turuan ang puso ko kung kanino at kung kelan titibok. At ilang beses ka na bang nagmahal ng iba at kinalimutan ako? Kinalimutan na parang ni hindi ako dumaan isang araw sa buhay mo? Masakit isipin na ikaw masaya habang ako eh wala pa rin ibang inisip kundi ang makasama ka.

Sa wakas, pagkatapos ng mahabang panahon, matapos ang walang humpay na pag-iyak gabi-gabi, ang walang katapusang pagsumpa sayo, ang walang kasing lutong na pagmumura na hindi na uli magpapakatanga sa pagmamahal…nalimutan kita. Nalimutan kong minsan eh may minahal ako na tulad mo. Ilang panahon palang ang nakakalipas, may dumating sa buhay ko…hindi pa sigurado pero sabi ko sa sarili ko eto na, magmamahal na ko uli. At sa unang pagkakataon hindi ako nagmamadali na maging "kami" naging masaya na ako sa kung ano man ang meron kami sa ngayon…magkaibigan kami. More than friends but not lovers at far from being MU, yun ang laging sagot ko sa mga nagtatanong. Masaya na ko. pero hindi ko alam kung ano ba talaga ang meron ka…isang araw nalaman ko may girlfriend ka daw…hindi ako matahimik, di matahimik yung isip ko at nagngingitngit yung puso ko. hanggang sa mapatunayan kong, oo nga at nagmahal ka na ng iba hindi na yung babaeng may mahal na iba ang mahal mo ngayon. Kahit na masakit, isip ko buti na yon atleast now mahal ka na rin ng mahal mo. I should be happy for you! Tanda ko pa nga na sabi ko sayo, masaya ako para sayo. Eh sino ang niloko ko? sarili ko? masakit pa rin sa akin, bakit ganoon? Akala ko ba limot na kita? Hindi ko nanaman alam ang gagawin ko…

Ilang lingo lang nakalipas,nalaman ko break na kayo…sumaya ako! Pilit kong pinigilanyung kasiyahan ko, sabi ko hindi ako dapat maging masaya na hiwalay na kayo dahil malungkot ka, dahil nasaktan ka, dahil sa pangalawang pagkakataon eto ka nanaman at mniserable ang buhay. Ayokong maramdaman mo uli yung sakit nay yon, masakit, alam ko kung gaano kahirap. Hindi madali magmahal at lalong hindi madali ang masakatan at mag move on…at noon ko lang napatunayan sa sarili ko na oo nga at MAHAL pa KITA. Hindi yon nawala, natulog lang at pinagpahinga ng panahon. Ngayon eto nanaman ako…walang kadaladala, muli nanaman binuhay ang pagmamahal sayo. Wala nanamang takot na inamin sayo na ikaw talaga ang mahal ko, na TAO lang ako at hindi ko kaya pigilan yung sarili ko na mahalin ka dahil kahit ano ang gawin ko, ikaw talaga ang sinisigaw ng puso ko. sabi mo wag ikaw, sabi ko ikaw ang gusto ko. ngayon eto nanaman at umaasa ako, umaasa na dadating yung panahon na mamahalin mo din ako. Na makikita at mararamdaman mo din na ako ang makapagpapasaya sayo…wala ng iba. Pinapangarap ko na dadating din ang panahon na makikita mo ang lahat ng mga nagawa at ginagawa ko sayo. Katwiran ko " I have to be patient, my time will come. He just needs time to realize who's gonna be there for him no matter what. Kung sino ang di siya sasaktan." Naisip ko, kahit na paulit-ulit mo pa akong gamitin ayos lang. kahit paulit ulit mo akong paglaruan, balikan, iwan at balikan uli ayos lang. kung ano makapagpapasaya sayo masaya na din ako. Hihintayin kita kahit pa abutin ako ng 30 anyos hanggat di ka nag-aasawa di mawawala ang pag-asa ko.

Agresibo, boba, tanga, martyr call me all you want, wala akong pakielam. MAHAL ko siya. No one could ever take that away and no one could ever change that. I've changed because of him. Life became more challenging and meaningful because of him. He's this one person that could make me smile in times I thought I could never smile again. He was there when no one seems to care, he made me a better person. A stronger individual. Made me do things that I never, not even in my wildest dreams ever thought of doing. MAHAL ko siya, hindi niya ako gusto, wala ako magagawa di ko kontrolado ang puso at isip niya. Maghihintay ako…yun ang sigurado…sensya…TAO lang.

klaubette ü

Posted at 01:59 pm by bettylicious
Make a comment