 |
Relationships are like glass. Sometimes it's better to leave them broken than try to hurt yourself putting it back together.
Have you ever been hurt and the place tries to heal a bit, and you just pull the scar off of it over and over again. ~Rosa Parks
Love is like a puzzle. When you're in love, all the pieces fit but when your heart gets broken, it takes a while to get everything back together.
|
 |
 |
 |
 |
 |
 |
|
|
 |
 |
Saturday, September 04, 2004
"If I was the one who was loving you baby, the only tears you cry would
be tears of joy. And if I was by your side, you never know one lonely
night. And if t'was my arms you were running to baby, loving this arms
of mine…if I was the one in your life…"
Yan ang paulit ulit na tumutugtog sa isip ko…paulit ulit na
kinakanta ng puso ko, kapag nakapikit ang mga mata ko at imahen mo ang
nakikita. Isip ko, buti pa ang imahinasyon ko nakikita,nararamdaman at
nahahawakan ka. Samantalang ang buong pagkatao ko na wala ng maramdaman
kundi pagmamahal sayo eh ni hindi ka man lang maabot ng tingin…
Mabuti pa yung mga puno ng niyog, magiliw na naipapaspas ang mga dahon
nila. Malayang nadadala ng hangin ang bawat piraso ng mga dahon. Hindi
man nakikita ng niyog ang hangin, ramdam niya na andyan siya. Andyan
para patuloy na pasayawin ang bawat sanga ng niyog sa tugtog na sila
lamang ang nakakaintindi.
Ilang beses naba, ilang beses mo ng ipinaramdam sa akin na hindi ikaw
ang lalake para sa akin, na hindi ako ang babae na makapagpapasaya
sayo? Ilang beses ko naba na naramdaman ang masaktan ng sobra? Ang
maramdaman na ginamit at pinaasa mo lang ako? Ilang beses ko na rin
bang pilit sinasaksak sa kukute kong makulit na hindi ko talaga kaya na
tigilan kang mahalin? Ang pilitin kang makalimutan? MAHAL
KITA…pasensya, tao lang. Hindi kahit kelan ko kayang pigilan at turuan
ang puso ko kung kanino at kung kelan titibok. At ilang beses ka na
bang nagmahal ng iba at kinalimutan ako? Kinalimutan na parang ni hindi
ako dumaan isang araw sa buhay mo? Masakit isipin na ikaw masaya habang
ako eh wala pa rin ibang inisip kundi ang makasama ka.
Sa wakas, pagkatapos ng mahabang panahon, matapos ang walang humpay na
pag-iyak gabi-gabi, ang walang katapusang pagsumpa sayo, ang walang
kasing lutong na pagmumura na hindi na uli magpapakatanga sa
pagmamahal…nalimutan kita. Nalimutan kong minsan eh may minahal ako na
tulad mo. Ilang panahon palang ang nakakalipas, may dumating sa buhay
ko…hindi pa sigurado pero sabi ko sa sarili ko eto na, magmamahal na ko
uli. At sa unang pagkakataon hindi ako nagmamadali na maging "kami"
naging masaya na ako sa kung ano man ang meron kami sa
ngayon…magkaibigan kami. More than friends but not lovers at far from
being MU, yun ang laging sagot ko sa mga nagtatanong. Masaya na ko.
pero hindi ko alam kung ano ba talaga ang meron ka…isang araw nalaman
ko may girlfriend ka daw…hindi ako matahimik, di matahimik yung isip ko
at nagngingitngit yung puso ko. hanggang sa mapatunayan kong, oo nga at
nagmahal ka na ng iba hindi na yung babaeng may mahal na iba ang mahal
mo ngayon. Kahit na masakit, isip ko buti na yon atleast now mahal ka
na rin ng mahal mo. I should be happy for you! Tanda ko pa nga na sabi
ko sayo, masaya ako para sayo. Eh sino ang niloko ko? sarili ko?
masakit pa rin sa akin, bakit ganoon? Akala ko ba limot na kita? Hindi
ko nanaman alam ang gagawin ko…
Ilang lingo lang nakalipas,nalaman ko break na kayo…sumaya ako! Pilit
kong pinigilanyung kasiyahan ko, sabi ko hindi ako dapat maging masaya
na hiwalay na kayo dahil malungkot ka, dahil nasaktan ka, dahil sa
pangalawang pagkakataon eto ka nanaman at mniserable ang buhay. Ayokong
maramdaman mo uli yung sakit nay yon, masakit, alam ko kung gaano
kahirap. Hindi madali magmahal at lalong hindi madali ang masakatan at
mag move on…at noon ko lang napatunayan sa sarili ko na oo nga at MAHAL
pa KITA. Hindi yon nawala, natulog lang at pinagpahinga ng panahon.
Ngayon eto nanaman ako…walang kadaladala, muli nanaman binuhay ang
pagmamahal sayo. Wala nanamang takot na inamin sayo na ikaw talaga ang
mahal ko, na TAO lang ako at hindi ko kaya pigilan yung sarili ko na
mahalin ka dahil kahit ano ang gawin ko, ikaw talaga ang sinisigaw ng
puso ko. sabi mo wag ikaw, sabi ko ikaw ang gusto ko. ngayon eto
nanaman at umaasa ako, umaasa na dadating yung panahon na mamahalin mo
din ako. Na makikita at mararamdaman mo din na ako ang makapagpapasaya
sayo…wala ng iba. Pinapangarap ko na dadating din ang panahon na
makikita mo ang lahat ng mga nagawa at ginagawa ko sayo. Katwiran ko "
I have to be patient, my time will come. He just needs time to realize
who's gonna be there for him no matter what. Kung sino ang di siya
sasaktan." Naisip ko, kahit na paulit-ulit mo pa akong gamitin ayos
lang. kahit paulit ulit mo akong paglaruan, balikan, iwan at balikan
uli ayos lang. kung ano makapagpapasaya sayo masaya na din ako.
Hihintayin kita kahit pa abutin ako ng 30 anyos hanggat di ka
nag-aasawa di mawawala ang pag-asa ko.
Agresibo, boba, tanga, martyr call me all you want, wala akong
pakielam. MAHAL ko siya. No one could ever take that away and no one
could ever change that. I've changed because of him. Life became more
challenging and meaningful because of him. He's this one person that
could make me smile in times I thought I could never smile again. He
was there when no one seems to care, he made me a better person. A
stronger individual. Made me do things that I never, not even in my
wildest dreams ever thought of doing. MAHAL ko siya, hindi niya ako
gusto, wala ako magagawa di ko kontrolado ang puso at isip niya.
Maghihintay ako…yun ang sigurado…sensya…TAO lang.
klaubette ü
Posted at 01:59 pm by bettylicious
Permalink
|
 |
 |
 |
 |
 |
 |
|
|